Ang hirap maging college student. yung tipong hell week na lang lagi. tas pag may group activity na kasama mga ka-blockmates mo na walang kwenta, walang pakielam sa grades ay ewan na lang kung anong hahantungan o kalalabasan ng gawa niyo. katulad ng nangyari kahapon, lahat ng efforts na ginawa naglaho na lang ng parang bula dahil sa pesteng mga ka-blockmates na umuwi kaagad dahil walang pakielam sa grades nila. tas kung makareact kala mo kung sino.
Tama nga sila, sa college pili na lang talaga ang mga taong mapagkakatiwalaan mo. kasi sa college karamihan ng makakasalamuha mo war freak, pa-cool kids, gold digger, famewhore, atbp. at kadalasan pa humahantong sa away tsk. Hinihiling ko na lang talaga na matapos na tong semester na to. Hinihiling ko na sana wala na kong makasalamuhang ganong klase ng mga tao—yung mga walang pangarap sa buhay, mga happy-go-lucky lang na mga estudyante, at higit sa lahat mga taong walang pakielam sa grades nila.





Comment